Inaasahang darating sa Pilipinas sa Agosto 16 ang mga Pilipino mula sa Beirut, Lebanon na tinulungan ng Department of Foreign Affairs (DFA) para mailikas kasunod ng insidente ng malakas na pagsabog doon.
Ayo kay Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr., nasa P15-milyong pondo na ang nailalaan ng ahensiya para sa repatraition ng mga Pilipino mula Beirut.
Ito ay sa pamamagitan aniya ng kinuhang chartered flight ng Qatar Air.
Maliban sa apat na mga Pilipinong nasawi sa malaking pagsabog sa Beirut noong nakaraang Martes, nasa 100 pang mga OFWs ang nagpaghayag ng intensyon para makauwi ng Pilipinas.
Una nang sinabi ni Labor secretary Silvestre Bello III na plano ng pamahalaan na marepatriate ang labi ng apat na nasawing Pilipino sa Agosto 20.