Nanawagan ang Commission on Elections Comelec sa mga private citizen na huwag alisin ang mga illegal campaign materials.
Ito ayon kay Comelec Spokesman Director James Jimenez, ay dahil karamihan sa mga campaign posters ay iligal na nakakabit sa mga kawad ng kuryente o conduit ng isang CCTV camera at maaaring mareklamo pa nang pagsira sa mga ari arian kung igigiit ang pagbaklas sa nasabing campaign material.
Sa halip, sinabihan ni Jimenez na maaaring i-document ng private citizen ang makikita illegal campaign material partikular ang lokasyon at kung kailan nila ito nakita at i-report sa Comelec.
Ipinabatid ni Jimenez na sakali mang walang private complainant uubra namang mag reklamo ang local election officer kaya’t asahan na ang mga kasong isasampa sa kasagsagan ng campaign period.