Sinira ng mga otoridad ang halos kalahating milyong pisong halaga ng illegal firecrackers sa Cavite.
Ayon kay Cavite Police Officer in Charge Col. Marlon Santos, nasabat ang mga kontrabando mula sa mga nagtitinda ng paputok na walang naiprisintang permit.
Dinala umano sa Camp General Pantaleon Garcia sa Imus City ang naturang mga iligal na paputok at doon ginawa ang pagsira sa mga ito.
Samantala, umabot sa 61 ang firecracker related injuries na naitala sa Cavite.