Mag-ingat laban sa mga bogus brokers.
Ito ang babala sa publiko ni Housing czar Secretary Eduardo del Rosario matapos madakip sa Alfonso, Cavite ang ilang indibidwal na umano’y dawit sa illegal real estate transactions.
Sina Joana Marie Cruzada, Joana Marie Viray, Felmarich Dagohoy, at Jovannie Cruz ay nahuli sa joint entrapment operation ng mga elemento ng National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Sa imbestigasyon, nagpanggap ang mga suspek bilang mga empleyado ng 1Premier Land Marketing Company na umano’y marketing arm ng Alta Vista.