Pinakilos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang CIDG o Criminal Investigation and Detection Group at NBI o National Bureau of Investigation.
Ito’y para habulin at arestuhin ang mga ahensyang sangkot sa human trafficking o illegal recruitment partikular na iyong mga nagpapa-alis ng kapwa Pilipino patungo sa ibayong dagat.
Giit ng Pangulo, seryoso ang pamahalaan hinggil sa problema ng human trafficking kaya’t nais niya itong gawing prayoridad ng mga law enforcement agencies.
Sinabi pa ng pangulo na maliban sa riding – in – tandem at iba pang mga krimen tulad ng murder, carnapper at kidnapper, wala nang ibang pinagkaka-abalahan pa ang pambansang pulisya.
Kasunod nito, hinimok din ng Pangulo ang mga biktima ng illegal recruitment na lumantad at magsumbong sa dalawang nabanggit na ahensya para sila’y matulungan.