Nanindigan si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na tunay ang mga impormasyong kaniyang natatanggap
Ito’y makaraang isiwalat ng kalihim ang hinggil sa ilang media group na ginagamit at nakikinabang sa mga sindikato ng iligal na droga sa bansa
Ayon kay Aguirre, mismong ang ilang mga taga-media rin ang tumatawag sa kaniya upang i-ulat ang ilang media outfits sa mga lalawigan na bumabatikos sa ginagawang anti-drug campaign ng Administrasyong Duterte
Ginawa ni Aguirre ang pahayag makaraang hamunin siya ng National Union of Journalist of the Philippines na tukuyin ang mga grupo at pangalanan ang mga media personalities na ini-uugnay sa iligal na droga
By: Jaymark Dagala