Tiniyak ng Office of the Press Secretary (OPS) na nakakarating sa publiko ang mga impormasyon kaugnay sa mga programa ng administrasyong Marcos Jr.
Ayon kay Press Secretary Attorney Trixie Cruz-Angeles, ito ay bilang bahagi ng kanilang pagsisikap na maipaabot ang mga mahahalagang impormasyon sa papamagitan ng press briefing sa Malacañang.
Aniya, mahalagang maisapubliko ang mga detalye ng mga progama o kampanya ng isang ahensya na direktang galing sa pangulo.
Giit ni Angeles, ito ang kanilang pinagkaka-abalahan sa kanilang opisina sa gitna ng mga polisiyang inilatag para masiguro na naipapabatid lahat ang impormasyon mula sa pamahalaan.