Kinuwesyon ni Vice President Leni Robredo ang paglalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ng umano’y listahan ng mga sangkot sa anomalya sa Department Of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon sa pangalawang pangulo, dapat maimbestigahan munang maigi ang usapin bago ilabas ang pangalan ng mga opisyal na sangkot sa katiwalian.
Giit ni Robredo, mahalagang maberipika ang lahat ng mga impormasyon at masigurong totoo ang mga sumbong na ipinararating sa pangulo bago niya ito isapubliko.
Magugunitang inisa-isang pangalanan ng pangulo sa kaniyang public address nuong huling linggo ng taong 2020 ang mga sangkot sa katiwalian sa dpwh sabay kabig na wala pang matibay na ebidensyang nagdiriin sa mga iyon.