Hindi nagtutugma ang mga impormasyong inilalabas ng mga otoridad sa nangyaring pag-atake sa Resorts World Manila.
Kung noong Biyernes, sinasabi ng PNP o Philippine National Police na naka-kotse ang gunman nang magtungo sa naturang hotel casino, ngayon sinasabi na ni NCRPO Chief Police Director Oscar Albayalde na nag taxi ang gunman papuntang Resorts World.
Katunayan, hawak na anya nila ngayon ang taxi driver na naghatid sa suspek.
Sinabi rin noong Biyernes ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na hindi namaril ang suspek sa loob ng hotel casino.
Pero ayon sa Resorts World Manila, nanlaban ang gunman na ikinasugat pa ng kanilang dalawang security personnel.
Una ring sinabi ni Dela Rosa na nabaril ng mga otoridad ang suspek na ikinamatay nito.
Pero kalaunan sinabi na nitong nagpakamatay ang gunman matapos sunugin ang sarili.
By Jonathan Andal