Sasailalim pa sa imbestigasyon ang lahat ng impormasyong may kaugnayan kay dating Marawi City Mayor Fajad Salic.
Ayon kay DILG Undersecretary Catalino Cuy, mahirap pang magbigay ng kumpirmasyon sa mga paratang kay Mayor Salic dahil kasalukuyan pa ang imbestigasyon.
Sinabi ni Cuy na naging basehan ng pag-aresto kay Salic sa kasong rebelyon ang di umano’y matagal na nitong pakikipag-ugnayan at posibleng pagiging financier ng Maute Group noong kasalukuyan pa syang alkalde ng Marawi.
Si Salic ay isa lamang sa mahigit isandaang (100) inisyuhan ng martial law warrant of arrest dahil sa koneksyon di umano nito sa Maute Group na sumalakay sa Marawi City.
“Lahat naman ina-analyze yan, hindi naman ibig sabihin, lahat naman ng information hindi naman parang hook, line and sinker na kinukuha natin kaya ina-analyze yan. Mga iformation yan, yan eh base doon sa nagki-case build up. So, malalaman natin yan kapag kompleto na yung kanilang repot dyan”, bahagi ng pahayag ni Cuy sa panayam ng DWIZ.
By Len Aguirre | Ratsada Balita Program (Interview)