Hinimok ng Department Of Health ang mga ina na pabakunahan ang kanilang mga sanggol laban sa Hepatitis B.
Ayon sa DOH, dapat mabakunahan ang mga sanggol kontra Hepatitis B sa unang 24 na oras, pagkatapos silang isilang.
Nais ng kagawaran na bumaba ang kaso ng Hepatitis sa bansa.
Kaugnay nito, ipinabatid ni Dr. Jose Gerard Belimac ng DOH Disease Prevention and Control Bureau na tinatayang nasa 7.3 Milyong Pilipino ang mayroong Hepatitis B, habang Isang milyon ang may Hepatitis C.
By: Meann Tanbio