Walang plano ang National Food Authority o NFA na dagdagan pa ang inaangkat ngayon na bigas ng Pilipinas.
Ito’y sa harap na rin ng unti-unting pagdating sa bansa ng ilang bahagi ng mga inangkat na bigas mula Thailand at Vietnam na binili sa ilalim ng government to government procurement scheme na nasa 250,000 metriko tonelada.
Ayon kay NFA Administrator Jason Aquino, nakatuon aniya ang kanilang atensyon sa mabilis na pagde-deliver ng murang NFA rice sa mga pamilihan.
May ilang bagong pamamaraan na rin aniya silang ikinukonsidera kaugnay ng epektibong pamamahagi upang magkaroon ng access sa subsidized rice ang mga benepisyaryo nito.
Samantala, inaasahan namang darating na sa bansa ngayong buwan ang karagdagang 250,000 metriko toneladang bigas na binili ng Pilipinas sa ilalim ng open tender bidding noong Mayo 22.
—-