Nasa 3,500 na inabandonang balikbayan boxes ang nakatakdang ihatid ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) bago sumapit ang pasko.
Ayon kay BOC Spokesperson Arnaldo Torre Jr., mayroong 32 containers na may 8,606 balikbayan boxes ang inabandona ng couriers simula pa noong Setyembre, kung saan karamihan sa mga ito ay mula sa Middle East.
Tatlong kumpanya na ang tinukoy ng BOC na sangkot sa mga inabandonang kargamento.
Sinabi ni Dela Torre na mayroong 16 na kahon na isasailalim sa physical identification para matukoy ang mga nagpadala, 39 na may isyu sa contact details, at 1,868 na nasa transit pa ng BOC ports at nakatakdang ihatid sa mga may-ari.