Maaring maghain ng apela sa korte suprema ang mga aplikante mula sa Party-List group na binasura ng COMELEC kahapon, ayon sa isang poll official.
Ayon kay Atty. Elaiza Sabile-David, Direktor ng COMELECs Education And Information department, maaaring maghain ng injunction flee sa supreme court ang mga tinanggihang aplikante bilang remedy.
Ani David, kung magkakaroon pa ng temporary restraining order ay maari pang manatili sa balota ang mga itinanggal na aplikante.
Magugunitang kahapon ibinasura ng poll body ang nasa 126 na aplikasyon para sa Party-List registration bago ang eleksyon 2022.
Samantala, nakapaglabas na ang COMELEC ng inisyal na listahan ng 118 existing Party-List group na nabigyan ng akreditasyon at 53 iba pa na nabigyan ng fresh registration .
Sinabi ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, sa unang linggo ng Disyembre (Dec. 6), tatapusin ng poll body ang pagdinig sa mga apela mula sa tinanggihang grupo.—sa panulat ni Joana Luna