Sumasailalim na sa 14 na araw na quarantine ang 350 incoming cadet ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 2024.
Ayon kay PMA Spokesperson Major Cheryl Tindog, bilang pagsunod sa protocol ng department of health, isasailalim sa RT PCR test ang mga incoming cadets.
Sinabi ni tindog, bibigyan ng medical certificate ang bawat incoming cadet bilang patunay na sila ay coronavirus disease 2019 (COVID-19) free, bago dalhin sa PMA headquarters sa Fort Del Pilar.
Sakali naman aniyang may magpositibo sa mga ito, patuloy na isasailalim ito sa quarantine.
Dagdag ni tinog, ihihiwalay ang Class 2024 sa ibang nauna nang miyembro ng cadet corps na kasalukuyang nagti-training.
Samantala, nananatiling sarado sa publiko ang pma para mapanatili ang pagiging COVID-19 free. —ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)