Nakapagtala na ang Philippine National Police (PNP) ng 198 indibidwal na naaresto dahil sapaglabag sa election gun ban ng COMELEC.
Ayon sa PNP, kabilang sa nadagdag ang 21 naharang sa iba’t ibang checkpoint.
Umabot naman sa 67 ang mga nakumpiskang baril, deadly weapons at mga bala.
Bilang preparasyon at bahagi ng pagtiyak sa seguridad ng May 9 elections, inilarga ang gun ban simula Enero a–9 at magtatapos sa Hunyo a–8. —sa panulat ni Mara Valle