Sasampahan ng kasong economic sabotage at hindi papayagang makapagpiyansa ang sinumang magpupuslit ng higit sa 50 milyong pisong halaga ng mga produkto.
Ito ang babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga smuggler sa kanyang pagharap sa mga magsasaka at mangingisdang nananalo sa Gawad Saka 2017 at malinis at masaganang karagatan.
Ayon kay Pangulong Duterte, tila walang katapusan ang problema sa smuggling na pumapatay sa ekonomiya ng bansa maging sa mga mamamayan.
Tiniyak ng Punong Ehekutibo na hindi rin niya palalampasin ang mga nagpupuslit ng mga sasakyan tulad ng mga luxury vehicle at public utility vehicle.
—-