Pababalikin na lamang sa kanilang bansa ang pitongdaang Indonesian pilgrims na naaresto dahil sa iligal na paggamit ng pasaporte ng Pilipinas
Ayon sa Pangulo, wala na siyang balak na ihabla pa ang mga nasabing Indonesian nationals sa paniniwalang naloko lamang ang mga ito para lamang makarating sa taunang Hajj
Maliban sa deportation, ipakakansela na lamang ng Pangulo ang Philippine passports na hawak ng mga nasabing dayuhan
Ngunit, sinabi ng Pangulo na mas mainit aniya siyang habulin ngayon kung sino ang nanloko sa kanila kaya’t inatasan na niya ang mga awtoridad na imbestigahan kung paano nakakuha ng pasaporte ng Pilipinas ang mga dayuhang biktima
By: Jaymark Dagala