Makatatanggap ng ayuda mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga informal workers sa Metro Manila na apektado ng umiiral na enhanced community quarantine.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, bibigyan nila ng pansamantalang trabaho ang mga naturang manggagawa, partikular ang mga jeepney at tricycle drivers at mga side-walk vendors sa Metro Manila.
Ang ahensya na rin aniya ang bahalang magpa-sweldo sa mga ito.
P5,000 aniya ang ipagkakaloob nila sa bawat manggagawa kada buwan o habang umiiral ang isang buwang enhanced community quarantine.
Samantala, inilalatag na rin, ani Bello, ang ayuda para naman sa mga manggagawa na nasa probinsya.