Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabagal ang pag-usad ng mga infrastructure projects sa bansa dahil sa matinding problema ng trapiko lalo na sa Metro Manila.
Dahil dito, hiningi ng Pangulo ang tulong ng mga opisyal ng China Communications Construction Company nang mag courtesy call ito sa kaniya sa Malakaniyang kahapon.
Mainit na tinanggap ng Pangulo ang kaniyang mga bisita na nagpahayag ng kanilang hangarin na tumulong sa Pilipinas partikular na sa aspeto ng imprastraktura.
Kasunod nito, nagpaabot ng pasasalamat si Pangulong Duterte sa China at kay Chinese President Xi Jin Ping dahil sa alok na tulong nito sa Pilipinas na lubha aniyang kailangan upang masolusyunan ang malalang problema ng bansa sa trapiko.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping
SMW: RPE