Tiniyak ng National Economic and Development Authority (NEDA) na hindi mababalam ang mga infrastructure projects na ipatutupad ng Duterte Administration sa oras na magpalit ng sistema ng gobyerno.
Ayon kay NEDA Director-General at Socio-Economic Planning Secretary Ernesto Pernia, hindi naman agad ipatutupad ang federal form of government lalo’t magiging mabagal ang proseso nito.
Ito’y dahil pinag-iisipang maigi ni Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang sektor ng lipunan ang mga negatibo at positibong epekto ng Federalismo.
Umaasa naman si Pernia na karamihan sa mga infrastructure development plans na itinakda ng mga economic manager ay makukumpleto bago magkaroon ng pagbabago sa sistema ng gobyerno.
RPE