Sumampa na sa 231 diplomatic protests ang inihain ng Department of Foreign Affairs laban sa China, simula nang maluklok sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte, noong 2016.
Ito ang inihayag ni DFA Assistant Secretary Eduardo Meñez ng Office of Public and Cultural Diplomacy, sa gitna ng panibagong tensyon sa Spratly Islands sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.
Karamihan anya sa mga note verbale (ver-bal) na inihain ng kagawaran ay sumasaklaw sa mga insidente ng panghaharass ng Chinese Coast Guard sa Philippine Authorities na nag-pa-patrol sa West Philippine Sea.
Kamakailan ay tinangkang harangin ng tatlong Chinese vessels at binomba ng tubig ang dalawang supply ship ng Pilipinas na maghahatid ng pagkain sa mga military personnel na naka-deploy sa Ayungin Shoal. —sa panulat ni Drew Nacino