Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na mareresolba nila ngayong 2022 ang lahat ng petisyon na kanilang natanggap kaugnay noong 2022 national at local elections.
Ayon kay COMELEC Spokesperson John Rex Laudiangco, nilalaman ng petisyon ang inihaing disqualification cases at petisyon ikansela ang Certificates of Candidacy (COC) ng mga kandidato.
Binigyang-diin pa ng comelec ang kanilang commitment na tapusin ang mga naipong petisyon para ma-settle na ang isyu ng mga nakaupong kandidato.
Samantala, tiniyak din ni laudiangco na de-desisyunan na nila ang labing-pitong vote-buying cases na inihain laban sa iba’t ibang kandidato noong halalan.