Umabot na sa 161,000 pamilya o tinatayang 740,000 katao na ang inilikas sa mga lalawigan ng Albay, Sorsogon at Northern Samar.
Ito’y makaraang mag-landfall sa Northern Samar kaninang umaga ang bagyong Nona.
Ayon sa NDRRMC, suspendido na rin ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Albay; Camarines Sur at Norte; Catanduanes; Masbate na hanggang bukas ang suspensyon habang preschool hanggang highschool lamang sa Sorsogon at preschool hanggang elementary sa Lucena City, Quezon.
Wala ring pasok sa lahat ng antas sa Northern Samar; Biliran habang preschool hanggang highschool sa Catbalogan, Western Samar.
Samantala, nag-preposition na ang DSWD ng P25 million peso stand-by funds, 260,000 family food packs at P185.6 million pesos na halaga ng food at non-food items.
By Drew Nacino