Umakyat na sa mahigit 80,000 ang mga inilikas dahil sa pag – aalburuto ng Bulkang Mayon.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, pitumpung libong residente mula sa nasabing bilang ang nanunuluyan ngayon sa halos pitumpung (70) evacuation centers sa lugar.
Habang labing isang libo (11,000) naman ang pansamantalang nakikitira sa kani- kanilang mga kaanak.
Tiniyak naman ng NDRRMC na may sapat na pagkain at suplay para sa mga residente.
Gayundin, ayon sa NDRRMC, mayroong mga doktor at nurse na nakaantabay at sumusuri sa kondisyon ng mga evacuees.