Pumapalo sa mahigit 1,700 pamilya mula sa Batangas City ang inilikas ng hatinggabi dahil sa pananalasa ng Bagyong Rolly.
Kabilang sa mga pamilyang inilikas, ayon kay Marie Villena-Lualhati, Public Information Chief ng Batangas City, ay mula sa Tierra Verde Subdivision, Barangay Pallocan West; Sitio Gitna, Barangay San Isidro at Sitio Takad, Barangay Libjo.
Tumaas ang baha sa lugar dahil sa walang humpay na pag-ulan kaya’t marami ang sinagip mula na sa ikalawang palapag ng kanilang mga bahay at maging sa kanilang bubungan.