Nadagdagan pa ang COVID-19 infections sa mga pasilidad at piitan na nasa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Katunayan, sa Laging Handa media briefing, binanggit ni BJMP Spokesperson Xavier Solda na tumuntong na sa 1,151 ang bilang ng mga inmates na tinamaan ng COVID-19 kung saan 175 dito’y sumasailalim ngayon sa gamutan.
Sinasabing nakatulong naman sa pag-contain ng virus transmission ang ginawang pagsuspinde sa face-to-face visits mula noong Marso dahilan upang makarekober ang 900 bilanggo.
Samantala, nasa 1,501 vulnerable inmates ang pinalaya ng BJMP upang maiwasan ang pagkalat ng impeksiyon.
Kasama sa mga pinalaya ang mahigit 500 matatanda, halos 1,000 may malalang sakit at 32 buntis.