Sugatan ang dalawang preso sa isinagawang noise barrage ng halos 200 inmates ng Manila City Jail
Umakyat pa ng bubong ang ilang inmates para igiit ang pagsibak sa Jail Warden ng city jail matapos na magbantang papatayin ang ilang bilanggo rito
Bukod dito ipino protesta rin ng mga bilanggo ang polisiyang paghihiwalay sa mga drug suspect mula sa iba pang inmate na may ibang kaso
Nilinaw naman ni BJMP Spokesman Senior Jail Inspector Xavier Solda na ang mga inmate mula sa dorm 9 at 10 na pag aari ng grupong Batang City Jail ang nagsagawa ng noise barrage
Sinasabing ilang ice pick ang narekober ng mga otoridad matapos ang protesta
By: Judith Larino / Aya Yupangco