Dapat magkaroon ng kumpensasyon mula sa pamahalaan ang mga nadadamay at naiipit sa kampaniya ng pamahalaan kontra iligal na droga.
Ito ang reaksyon ni Senador Panfilo Lacson sa paghingi ng sorry ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga aniya’y nagiging collateral damage sa war on drugs ng gobyerno.
Ayon kay Lacson, dahil wala namang kinalaman sa kampaniya ang ilang mga napapatay, dapat itong balikatin ng gobyerno lalo’t karamihan sa mga ito ay pawang mga mahihirap na Pilipino.
Una nang binanggit ng Pangulo ang posibilidad na tulungan ng gobyerno ang lahat ng mga inosenteng sibilyan na naiipit o nadadamay lamang tuwing nagkakaroon ng engkuwentro sa pagitan ng mga sindikato ng droga at mga awtoridad.
By: Jaymark Dagala