Tinawagang pansin ng Human Rights Watch (HRW) ang Philippine National Police (PNP) na seryosong aksyunan ang mga insidente ng pamamaril kung saan nasasangkot ang mga pulis.
Ayon sa HRW, dapat na mahigpit na ipinatutupad sa mga pulis ang pagsusuot ng body camera para makuhanan ang lahat ng ginagawang operasyon ng mga ito.
Sa ganitong paraan aniya ay madaling matutukoy kung sino ang may pananagutan sakaling magkaroon ng mga hindi inaasahang insidente.
Magugunitang nasangkot ang isang pulis sa pagpatay sa isang matandang babae sa Quezon City.