Mananatiling suspendido ang lahat ng international flights mula at patungong Pilipinas hanggang May 8.
Ito ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque ang rekomendasyon ng Inter Agency Task Force for the management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Sinabi ni Roque na sa kasalukuyan ay pinapayagan naman ang official flights, emergency flights, cargo ambulance and medical supply flights, weather mitigation flights, maintenance flights at international flights para sa stranded foreign nationals.
Una nang sinuspinde ang international flights para ma decongest ang quarantine facilities sa Metro Manila bilang bahagi ng kampanya kontra COVID-19.