Pinagsabihan ng Malacañang ang iba’t ibang international group na gawin ang kanilang tungkulin sa halip na gumawa ng propaganda.
Sa harap ito ng panawagan ng Human Rights Watch sa mga dayuhang gobyerno na suspindihin ang ibinibigay na tulong sa Pilipinas bunsod ng mga pagpatay na may kinalaman umano sa iligal na droga.
Nauna nang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi natatakot ang gobyerno na maputol ang ibinibigay na tulong ng ibang bansa dahil kakayanin aniyang isulong ng pamahalaan ang pagtulong at pagbabago sa buhay ng mga pilipino.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, pagtuunan na lamang ng Human Rights Watch ang pagtulong pero wag panghimasukan ang ginagawa ng pamahalaan.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping