Tiniyak ng Malakanyang na gagamitin ng gobyerno nang tama, epektibo at episyente ang mga inutang ng Pilipinas mula sa loob at labas ng bansa.
Ito’y matapos ang ulat ng Bureau of Treasury na lumobo na sa record-high 12.68 trillion pesos ang utang ng bansa sa pagtatapos ng Marso 2022.
Ayon kay acting presidential spokesman at PCOO Sec. Martin Andanar, nakalaan ang perang inutang sa nagpapatuloy na COVID-19 response.
Gagamitin din anya ito upang makarekober at mapasigla muli ang ekonomiya ng bansa.