Unti-unti na umanong kumakalas ang mga investor sa kumpanyang magpapatakbo ng ikatlong telco player sa bansa.
Nabatid na ibinenta na ang 30 percent na share ng Singapore Management Fund sa dito CME Holdings Corporation ng negosyanteng si Dennis Uy.
August 2018 nang bilhin ng kumpanyang Accion ang 842-million share OG stock mula sa kumpanya ni Uy sa halagang 1.45 per share o kabuuang P1.22-billion.
Umarangkada umano nuong 2018 din ang pagso sosyo ng kumpanya ni Uy at bilihan ng shares of stock nang lumutang na makukuha nito ang slot para a third telco player.
Nitong June 30 naman ay kumalas din si dating DICT Undersecretary Eliseo Rio, Jr. Sa kaniyang pakikipag sosyo sa dito tele-community sa shares nitong 1.2 million na nagkakahalaga ng mahigit P4-milyong bagama’t mayruon pang nalalabing 2.3-million shares sa nasabing kumpanya.
Parehong tikom ang bibig nina Rio at Singaporean company sa pagatras ng kanilang shares sa third telco player.