Pinangangambahang pumalo sa record high na 2 milyon ang mga sanggol na ipapanganak sa susunod na taon.
Ito ayon kay Undersecretary Juan Antonio Perez III, executive director ng Commission on Population and Development (POPCOM) ay dahil sa COVID-19 lockdown.
Sinabi ni Perez na posibleng malampasan ng bilang ng live births sa 2021 ang record na 1.7 million noong 2012 bago maipasa ang Reproductive Health Law.