Inilabas na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang listahan ng mga ipinagbabawal na paputok, apat na araw bago ang pagsalubong sa bagong taon.
Pasok sa listahan ang watusi, picolo, super lolo, atomic triangle, large judas belt, large bawang, pillbox, boga, goodbye Philippines, Bin Laden;
Mother rocket, lolo thunder, coke in can, atomic bomb, five star, plapla, giant whistle bomb at kabasi.
Ang sinumang mahuhuling gumagamit ng mga banned firecracker at pyrotechnic ay maaaring makulong ng kalahati hanggang isang taon at pagmumultahin ng hanggang P30,000.
Samantala, pinapayagan ng DILG ang paggamit ng ilang paputok sa mga itinalagang firecracker zones gaya ng baby rocket, bawang, el diablo at sinturon ni hudas.
Maaari namang gamitin sa labas ng mga firecracker zone ang fountain, luces, roman candle at trompillo.