Binuksan na ang mayorya ng mga paaralan sa South Korea, na una nang ipinasara dahil sa Middle East Respiratory Syndrome (MERS) outbreak.
Ito ay sa gitna ng patuloy na panawagan ng pamahalaan ng SoKor, na ibalik na ng mga residente sa normal, ang kanilang mga buhay.
Mula sa halos 3,000 paaralan na nakasara, mahigit sa 400 na lang sa mga ito ang nananatiling nakasara.
Nananatili namang sarado ang 4 na ospital na una nang isinara, upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.
By Katrina Valle