Iginiit ng Communist Party of the Philippines (CPP) na peke ang bilang na inilabas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay sa mga sumukong miyembro ng New People’s Army (NPA).
Ito ay matapos na ianunsyo ng AFP na nasa mahigit 4,000 armadong miyembro at tagasuporta ng NPA ang sumuko sa mga awtoridad mula Enero.
Ayon sa CPP, pinagbabantaan at pinupwersa ng militar ang mga tao para magpanggap bilang surrenderees ng NPA.
Dagdag pa ng CPP, palabas lang ang pakikipaghapunan ng mga sumukong rebelde kasama si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang.
—-