Magsasagawa ang DPWH ng repair at reblocking sa ilang pangunahing kalsada sa Metro Manila ngayong weekend.
Ayon sa MMDA, nagsimula ito alas-11 kagabi na magaganap sa mga sumusunod na lansangan;
* Northbound lane ng EDSA Quezon City paglagpas ng New York St. Kamuning 1st lane
* C-5 Road Northbound (4th lane) bago sumapit ng McKinley Road sa Makati City
* EDSA Southbound Caloocan City bago sumapit ng Urbano Plata St (2nd lane mula sa bangketa)
* Agham RD paglagpas ng Quezon Avenue
* Southbound lane ng EDSA service road, 3rd lane sa bahagi ng South Avenue Intersection at 2nd lane mula bangketa at kanto ng South Avenue patungong Kamuning RD.
* C.P. Garcia Avenue Quezon City, kahabaan ng Pasig Blvd. Southbound sa harap ng St. Ignatius de Loyola Health Care Services at malapit sa Sitel Building
* Times Street sa Quezon City kanto ng West Avenue tapat ng Kowloon House
* Tandang Sora Avenue sa Quezon City partikular sa bahagi ng Visayas Avenue patungong San Miguel St.
Pinayuhan naman ang mga motorista na maghanap ng alternatibong ruta upang hindi maabala.