Ligtas nang kainin ang mga isda at iba pang lamang-dagat sa limang coastal areas sa Cavite, na naapektuhan ng oil spill sa Limay, Bataan.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, ligtas na ang mga nakuhang samples mula sa Bacoor City, Cavite City, Noveleta, Rosario, at Tanza, batay sa mga isinagawang monitoring activities at analysis.
Nananatili ring ligtas para sa human consumption ang mga isda at iba pang lamang-dagat sa Bataan, Bulacan, Pampanga, Batangas, at Metro Manila, gayundin sa mga bayan ng Naic, Ternate, Kawit, at Maragondon.
Una nang sinabi ng BFAR na umabot na sa P350-M ang halaga ng pinsala ng oil spill, na nakaapekto sa mahigit 46,000 na mangingisda sa Central Luzon, Region 4-A, at National Capital Region.