Ligtas kainin ang mga isda mula sa Taal Lake.
Ayon ito sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) matapos nilang magsagawa ng laboratory analysis sa tubig at fish samples sa Taal Lake.
Subalit binigyang diin ng BFAR na kailangang matiyak na malilinis ng mabuti at maluluto ng tama ang mga isda bago kainin.
Una nang nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mga residente na huwag bumili at kumain ng isda galing sa Taal Lake, samantalang ang ibang mga isda ay mula sa mga nasirang fish cages nang pumutok ang Bulkang Taal.