Kinumpiska ng mga otoridad ang hindi bababa sa 70 kilo ng isda na ibinebenta sa Davao City.
Ito’y makaraang mabisto ang modus ng ilang tindero roon na ibinababad sa dugo ng baboy ang mga isda upang magmukhang sariwa sa paningin ng mga mamimili.
Ginawa ng City Veterenary Office ang suyod sa pamilihan sa lugar kung saan, kumpirmado ang ipinaabot na sumbong sa kanila.
Ayon kay Monalisa Roxas, Senior Agriculturist sa Davao City, bagama’t hindi delikado sa kalusugan, malinaw aniyang pandaraya ang ginagawa ng mga tinder.
Hindi rin aniya ito patas para sa mga kapatid na Muslim gayundin sa mga hindi kumakain ng karne ng baboy dahil hinahaluan ng dugo nito ang mga isda.
Dahil dito, inihahanda na ang kasong paglabag sa Consumer Act of the Philippines laban sa mga nagtitinda ng dinayang isda.
Bukod sa mga dinayang isda, nasabat din ng mga otoridad sa hiwalay na operasyon ang may 4 na toneladang karne ng manok na hindi umano dumaan sa tamang inspeksyon.
By Jaymark Dagala