Naghihingalo na ang mga isda sa Barangay Buso-Buso sa Laurel, Batangas sa gitna na rin nang pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Nabatid na ibinibenta na lamang sa murang halaga ng fish cage owners ang mga isda tulad ng tilapia kaysa tuluyang mamatay ang mga ito.
Isang fish cage owner naman ang bumili ng mahigit 50-kilo ng tilapia sa halagang P1,000.00 at ito aniya ay ipamamahagi niya sa mga nasa evacuation center.
Sa kuwento naman ng isang may-ari ng fish cage, luging-lugi na sila lalo pa’t nakawala ang mga isda ng masira ang frame ng fish cages sa paghampas ng malakas na alon sa kasagsagan ng mga pagyanig dulot ng aktibidad ng Bulkang Taal.