Nilinaw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ligtas kainin ang mga isdang nahuli sa Taal lake.
Ayon kay BFAR National Director Eduardo Gongona, maaari pa rin kainin ang mga ito basta’t sariwa at buhay nang nahuli ang mga isda.
Tiniyak pa ni Gongona na sumailalim na sa lab test ang mga sample mula sa Taal lake at lumabas naman aniyang “favorable” ang tubig dito.
Paaalala lang ng opisyal na hugasan at tanggalin mabuti ang mga lamang loob ng isda at lutuin ng maayos ang mga ito.
Gayunman, hindi umano ibig sabihin nito ay maaari nang mangisda ulit sa lawa lalo na at nananatiling mapanganib sa lugar dahil aktibidad ng bulkang Taal.