Isinailalim na rin sa state of calamity ang lalawigan ng Lanao Del Norte gayundin ang bayan ng Tambulig sa Zamboanga Del Sur kasunod ng pananalasa ng Bagyong Vinta.
Ito’y ayon kay NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council Spokesperson Mina Marasigan ay batay sa mga resolusyon na ipinasa ng mga konseho sa mga nabanggit na lugar.
Posible pa aniyang madagdagan pa ang mga lugar na isinasailalim sa state of calamity dahil sa tindi at lawak ng pinsalang iniwan ng nagdaang bagyo may isang linggo na ang nakalilipas.
Nasa sampung milyong piso na rin ang iniwang pinsala ng Bagyong Vinta sa imprastraktura subalit wala namang naitalang isolated o hindi mapuntahan bagama’t may mga nasirang kalsada’t tulay sa mga rehiyon ng Visayas at Mindanao.