Magbabalik-normal na ang sitwasyon ng mga isinarang kalsada sa Metro Manila para sa APEC Summit.
Dakong alas-4:00 ngayong araw na ito, inaasahang makakaalis na ang lahat ng mga opisyal ng iba’t ibang mga bansang dumalo sa APEC Summit.
Ayon kay Chief Supt. Arnold Gunnacao, hepe ng Highway Patrol Group, bubuksan nila ang lahat ng kalsadang isinara sa sandaling makaalis ang mga matataas na opisyal ng APEC member economies.
Alas-10:00 ng umaga binuksan na ng HPG ang kabuuan ng EDSA sa daloy ng trapiko at iba pang mga kalsada maliban sa Roxas Boulevard.
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas