Itinanggi ni dating House Speaker Prospero Nograles ang isiniwalat sa senate hearing ng miyembro umano ng Davao Death Squad na si Edgar Matobato.
Magugunitang ibinunyag ni Matobato na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na noo’y alkalde ng Davao City ang pagpatay sa apat na bodyguard ni Nograles.
Ayon sa dating mambabatas, wala siyang alam na insidente na pinatay ang sinuman sa kanyang staff o security personnel noong tumakbo siya sa pagka-alkalde ng lungsod noong 2010 at sa katunayan ay buhay ang lahat ng kanyang bodyguard.
Una ng pinabulaanan ng anak ni Nograles na si Davao City Rep. Karlo Nograles ang testimonya ni Matobato.
Kilalang magkalaban ang Pamilya Duterte at Nograles sa pulitika sa lungsod ng Davao.
By: Drew Nacino / Jill Resontoc