Nasa 20 hanggang 40 miyembro na lamang ng ISIS–Muate ang nasa Marawi City.
Ito ang inihayag ni Brig. Gen. Restituto Padilla sa gitna ng nagpapatuloy na bakbakan ng mga tropa ng gobyerno at terorista upang ma-control ang lungsod.
Gayunman, aminado si Padilla na hindi ito nangangahlugan na lumiit o nawala na ang banta teroristang grupo.
Bagaman lumiliit anya ang pwersa ng mga Maute, tila hindi naman nauubusan ng bala ang mga kalaban na kasalukuyang may hawak ding mga bihag.