Ipinagdiwang ng mga supporter ng Islamic State ang pambobomba sa Manchester City, United Kingdom na ikinasawi na ng dalawampu’t dalawa (22) katao at ikinasugat ng higit limampung (50) iba pa.
Kaliwa’t kanang post sa social media partikular sa facebook at twitter ang mga ISIS sympathizer.
Inihayag ng mga ISIS supporter na tila hindi nakalimutan na ng Britanya ang mga banta laban sa kanila at isa lamang ang pagpapasabog sa Manchester sa mga ito.
Gayunman, wala pang opisyal na pahayag ang teroristang grupo o kung aakuin ang nabanggit na insidente.
Katatapos lamang ng performance ng American Pop Singer na si Ariana Grande nang yanigin ng malakas na pagsabog ang Manchester Arena.
By Drew Nacino