Hindi isusuko at paninindigan ng Pilipinas ang claim nito sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ito ang paglilinaw ng Malakaniyang sa panibagong pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibebenta umano nito sa China ang mga pinag-aagawang isla kapag umunlad na ang Pilipinas at humupa na ang tensyon sa rehiyon.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nais lamang ng Pangulo na ipakita ang masidhing pakikipagkaibigan nito sa China bilang economic partner.
Magugunitang inatasan din ng Pangulo ang mga sundalo kamakailan na okupahin ang mga isla at bahurang pagmamay-ari ng Pilipinas sa nasabing karagatan sa pamamagitan ng pagtatarak ng watawat ng Pilipinas.
By: Jaymark Dagala